Saturday, September 4, 2010

vheztfriends??..





Sino nga ba sila?? Pano nga ba sila nagsimula??

4th year High School kami ng mabuo namin ang 'Vheztfriends'.. Hindi ko iniexpect na magiging close kami. Kasi galing kami sa iba't ibang section although naririnig ko na mga names nila at nakasama ko na rin yung iba sa cheer dance..At first, may iba't ibang grupo kami.. yung mga naging classmates namin since 1st year HS.. Pero habang tumatagal hindi na ako nagenjoy sa company ng ibang friends ko.. hindi ko alam kung bakit..

Una kong nakilala si Katherine Blancaflor, Charmaigne Dela Cruz at Aziel Ann Ruloma.. Nagkaroon kasi ng lipatan nun ng section nung 3rd year kami.. yung dati kong friends na sinasamahan nagkahiwa hiwalay.. tas dun nagstart na naging close ko yung tatlo.. 

Si Kath, siya yung pinakamahinhin, palaging umiiyak kapag inaaway sya, hindi sya marunong lumaban.. yun yung unang pagkakilala ko kay kath..pero nung tumagal ayun may topak din.. hilig nya kumanta, maglaro ng v'bol pati ba dancing vhezt hilig mi din??hehe..dami din sya suitors, isa na si ano.. hehe secret na lang.. sweet sya, mabait, approachable kaya hindi sya mahirap kaibiganin..

Si Charm, schoolmate na kami nung elementary pero di kami close nun.. hmm sya yung makulit, palaban din. tas medyo maingay din.hehehe V'bol player din si meng, parang may pagkaboyish lang sya kumilos before but now dalaga na..lagi na nkamake up..hehe nice! level up..hahaha! di rin sya nagpapatalo sa asaran..isa din sya sa mahilig mang asar sa grupo..di ba vhezt?? hehe..

Si Aziel, hay naku, kilala siya bilang kikay.. pano naman kasi napakagaslaw kumilos.. Hindi nga lang I.D ang nakasabit sa leeg niya.. sinama na pati yung salamin.. Pano naman kasi wala ata minuto na hindi niya tiningnan yung sarili niya sa salamin.. hehe ewan ba, wala naman changes..hahaha.. Honestly, hindi ko gusto nun si aziel kasi weh sobrang arte.. as in OVER! hehehe..

Tas nung mag 4th year kami.. naging classmates ko ulit sila kath, tas dun na nagstart ang lahat..

Hindi ko expected na may bagong mukha sa magiging classmates ko.. yun e si John Edward Warren. I admit medyo nairita ako kay Jhoed kasi dun sya sa line namin naupo..Siya lang kasi yung bagong sa mga katabi ko..tas parang ang yabang pa ng dating niya..if i know nalipat lang siya dun kasi SEPAK PLAYER sya..hahaha! syempre gaya ng dati, getting to know muna kami.. nung malaman kong matanda siya kaysa sa akin tinawag ko siyang 'kuya' at weew.. kapal niya ayaw patawag ng kuya,,hehe ayaw ata pahalata na matanda siya kaysa sa amin.. Time goes by, naging ok naman yung samahan namin..nagkabiruan tas un harutan.. kahit na hindi ko sya tinatawag na kuya still, he's always a brother to me.. he treats me like his little sister.. Kami nila meng, kath at ako ang palagi magkakasama nun..wala na si aziel kasi mas brainy sya kaysa sa amin kaya ayun nalipat sya ng section..hahaha! Si Jhoed, after ng class may training sila.. minsan nga kahit may class nasa training sya.. tas minsan napadaan kami nila meng nagkaasaran.. may tawagan kaming tatlo sa bawat isa.. Hindi ko na alam kung ano ang tawag niya sa amin.. ang natatandaan ko lang si Jhoed ay tinatawag namin na"MALABOYFOK" short for 'malanding baboy na fokfok' ..hahahaha! ewan ba kung san namin nakuha ang tawagan na un..hahaha.. tas un na palagi na kami magkakasamang 4..syempre si Jhoed yung pinakamatanda.. hahaha.. pag breaktime palgi kami magkakasama.. pagpunta ng canteen di pwede mawala ang isa.. Si Jhoed palagi ang inuutusan namin na bumili ng pagkain pag nasa loob na kami ng canteen.. haler! siksikan kaya dun tas tulakan..kaya sya na lang kasi malaki naman katawan niya.. hahaha..

Naging busy si Jhoed sa training kasi malapit na yung laban nila.. Kaming 3 (meng, kath, me) na lang yung palagi magkasama.. tas nagkaroon ng election for each club naging active si Meng, tas naging kaclose niya sina Grace Duque at Crystal Bonn Obos. Samantalang kami ni kath naging close namin si Ralph Angeles.. Dating section A si Ralph, simuls magbreak sila ng gf niya dun lagi na namin siya nakasama.. Siya yung pumalit nun kay Jhoed habang busy si taba sa training.. hehehe.. Nagjoin din kami nila Kath sa Values Club, tas naging close na namin sila Crystal at Grace.. 

Si Crystal, Hmm una ko siya nakilala sa cheer dance noong First year.. nagkakwentuhan but di kami ganon kaclose, i admit ilang ako sa kanya kasi parang ang taray niya, tas may pagkagangs ta pa..hehehe pero habang tumatagal nakilala ko siya, oo palaban nga pero siya yung tipo ng friend na hindi ka iiwan. Hindi nakakalimot at handa rin makinig sa mga problems.. pero siya din yung pinakamatampohin sa amin, feeling kasi niya hindi namin siya pinapahalagahan but it's not true..Siguro may pagkakataon lang na pag naisipan namin gumala at pumunta kina kath di sya pwede o kaya nman biglaan lang tlaga kaya di siya nasasabihan..

Si Grace, Siya naman yung tipo ng girl na puro tawa lang, di ko pa nga ata nakita magalit 'toh.. masaya kasama kalog.. walang hiya.. hahaha makerengkeng din minsan.. hahaha higit sa lahat wagas kung tumawa..hahahaha! bait niyan, pag walang topak..tama ba vhezt?? hehehe..

Si Charles, kilala ko na siya since 2nd year..kuya ko na sya nun eh.. medyo close na din kami kasi may dinedeskartehan sya nun eh..kilala ko kung sino pero di ko nlang sasabihn..hahaha Napasama siya sa grupo nung manligaw sya kay secret na lang..ayeeeee..hahaha kami yung naging way para sa kanila..isa din sya sa mga naging brother ko nung HS until now ganon pa rin turingan namin.. napakatalented niya, galing kumanta, player din sya and last but not the least cute din sya..ayeee.. hahaha boy version ko dahil sa dimples..hehe sya daw po c MR. DIMPLES ;)

Si Kenneth, well sya yung pinaka joker sa aming lahat.. kahit hindi sya magpatawa napapatawa niya kami.. lahat ata ng tinatago namin alam na nito.. Pero 'til now di ko madistinguish kung ano ba talaga sya.. hahaha sorry vhezt huh..haha napakagaling niya manglait at mang asar.. lahat ata kami meron sya pang asar e.. Nakilala namin siya kc VolleyBall player sya.. sino ba naman hindi makakakilala sa "MATANGKAD NA BAKLANG NEGRO"  na toh..hehehe peace vhezt! pero in all fairness..masarap siyang friend..kahit na walang pakundangan sa pagsasalita..hahaha ;))

Si Bien, kilala ko na sya since 2nd year,di nga lang kami ganon kaclose..hehe pero nung makasama na namin sya ayun walang ibang ginawa kung hindi asarin kaming mga girls.. dun ata sya magaling e.. hehehe pero infairness with him galing niya magv'bol..kahit mukha syang kawayan sa loob ng court dami fans yan, lalo na yung mga lower year.. sya din yung pinakachickboy kahit bata pinapatulan..hahaha peace! tas topakin din sya.. may times na super kulit niya tas may times din naman na super tahimik at may ibang mundo.. basted ata kaya ganon..hehehe peace!

Kami ang VHEZTFRIENDS!!.. hindi kami pare pareho ng gusto, pero pinagtagpo tagpo kami para mabuo ang isang pagkakaibigan na kahit sa pagdaan ng maraming taon hinding hindi namin makakalimutan.

Wait, may nakalimutan ako.. Sino nga ba ako sa grupo?? hmm ako pala si Thel, yes, i admit to myself na ako nga ang pinakamaliit sa grupo namin.. but hmm beautiful din.. hahaha small but terrible nga sabi nila.. hmm di ko na nga sasabihin yung iba baka sabihn niyo nagyayabang na ako.. haha! this is my blog, kaya sorry kayo.. gawa kayo blog niyo para makabawi.. hehehe..


Thanks for the wonderful friendship guys.. Sana matupad natin yung 'VHEZTFRIENDS COMPANY' ;))
that's not possible guys, let's Keep our hopes and dreams alive forever.. ;))

DREAM, BELIEVE, SURVIVE.. VHEZTFRIENDS!! ;))  pwede!.. hehehe

I missed you all guys, take care always.. and GOD BLESS US ALL!

Love lots,
thel ;))

4 comments:

  1. aw .. ganun .. haha .. asa nman .. wahaha ..

    nice vhezt ! may ngwa ka din mganda .. haha .. GL satin .. nxtym pnta nman kau samin ahh .. sabihin mu sa knila . .tas set na kau ng date .. pra maaux na .. heh .. TC . .Godbless ^_^ iloveu guys

    ReplyDelete
  2. aus ka payatot ah.. parang cnasbe mo na wala ako magawa magnda ah..ammppff! kaw na magset kaw nakaisip e..wala nga ako loload eh..hehe basta sundo nio nlang ako dito sa bahay kung gusto nio..hahaha

    ReplyDelete
  3. hehe thanks gem ;)) maganda kc yung gumawa kaya dapat maganda yung blog.. hahaha!

    ReplyDelete